LICOMCO students nakilahok sa first quarter nationwide simultaneous earthquake drill 2022

LEGAZPI CITY – Nakilahok sa first quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2022 ang mga estudyante ng Ligao Community College (LICOMCO) sa pamamagitan ng pagkuha ng sarili nilang larawan na nagpapakita ng tamang “duck, hold and cover” bilang pangunahing tugon tuwing may lindol.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Red Cross Youth- LICOMCO Council na naglalayon na magpakalap ng tamang pagsasagawa ng mga earthquake drills at kung ano ang mga dapat gawin tuwing makararanas ng lindol ang lugar.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Ayon sa nasabing grupo, ang proper execution ng mga drills ay makatutulong umano upang maibsan o mabawasan ang panic na mararanasan ng mga tao tuwing may lindol na maaaring humantong din sa insidente.

Read More:  Pope Leo appoints new spiritual leader of Diocese of Bacolod

Dagdag pa rito, ang NSED ay may layunin ding lubos na paghusayan ang mga earthquake preparedness methods sa pamamagitan ng pagsasagawa ng drills sa mga paaralan, at dahil madalas makaranas ng lindol ang lalawigan ng Albay na kung saan napapabilang ang lungsod ng Ligao, nararapat lang aniya na isama ang earthquake preparedness sa overall emergency plan.