𝗟𝗜𝗕𝗨-𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 Nasabat ang mahigit P120, 000 na halaga ng iligal na droga sa isang estudyante matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng PDEA Region 2 at 1st PMFC sa Barangay Ugac Sur, Tuguegarao City.
Kinilala ang naaresto na si alyas Ariel, residente sa nasabing lugar at dati nang minamanmanan ng kapulisan hinggil sa iligal nitong gawain.
Positibong nagbenta ito ng 10 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1, 200 sa isang operatiba na nagpanggap bilang poseur buyer.
Nakumpiska rin sa direktang pag-iingat nito ang isang marijuana brick na humigit kumulang isang kilo ang timbang at nagkakahalaga ng P120, 000.
Sasampahan ang naaresto ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na ngayo’y nasa kustodiya na ng mga awtoridad.
Enter