Lalawigan ng Isabela, tatanggap ng P1-Million matapos maging finalist ng walang gutom award

𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗣𝟭-𝗠𝗜𝗟𝗟𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗦𝗧 𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗧𝗢𝗠 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗗 Makakatanggap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ng P1, 000, 000 para sa entry nitong Isabela Rice Assistance Program (I-RICE AP) sa Walang Gutom Awards na inorganisa ng DSWD at Galing Pook Foundation.

Ang lalawigan ng Isabela ay isa sa 17 National Finalists para sa nasabing parangal kung saan noong ika-25 ng Hunyo ay unang nagkaroon ng presentasyon si Provincial Administrator Atty. Noel Manuel Lopez.

Read More:  Four CPSU graduates enter 2026 LET top rankings

Matapos nito ay pinangunahan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng parangal sa mga awardees noong ika-26 ng Hunyo sa Ceremonial Hall, Malacañang Palace.

Read More:  1 dead after Cebu hot pursuit turns into gunfight; Police officer hit

Kinilala ng Pangulo ang naging inisyatibo ng bawat lokal na pamahalaan upang labanan ang kagutuman at hakbang sa pagkakaroon ng food security.

Enter

You sent

Open photo