𝗧𝗘𝗦𝗧𝗜𝗠𝗢𝗡𝗜𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗜𝗞𝗜𝗟𝗔 𝗞𝗔𝗬 𝗠𝗚𝗘𝗡 𝗣𝗔𝗦𝗜𝗔, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 Isinagawa kahapon ang Testimonial Parade and Review bilang pagkilala sa pamumuno ni MGen Audrey Pasia sa 5th Infantry Star Division at sa higit 39 na taon na serbisyo nito bilang sundalo.
Nilahukan ito ng mga sundalo mula sa ibat-ibang unit ng 5th ID. Nagsimulang pamunuan ni MGen Pasia ang 5th ID noong September 2022 bilang ika-32 na commander ng 5th ID.
Miyembro ito ng PMA Bigkis-Lahi Class of 1990 at unang nagsilbi bilang Infantry Platoon Leader at Company Commander sa Southern Luzon. Nagsilbi din itong Chief of Staff ng 7th Infantry Division (7ID) sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija,at naging commander ng 702nd Infantry Brigade na naka base sa Region 1 ar sakop din nito ang lalawigan ng Abra at bayan ng Besao at Tadian sa Mountain Province.
Kabilang sa kaniyang mga naging accomplishment ay ang pagkakabuwag ng malalaking grupo ng communist terrorist group sa Northern Luzon.
Sa kaniyang pamumuno sa 5th ID, idineklara ang siyam na munisipalidad at isang siyudad sa Isabela ,lalawigan ng Quirino at Nueva Vizcaya bilang insurgency free.
Nabuwag din sa panahon ng kaniyang pamumuno ang Komiteng Probinsya Isabela sa ilalim ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV) at Komiteng Larangang Guerilla Ampis sa ilaim ng Ilocos Cordillera Regional Committee (ICRC).
Iginawad din mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Campaign Streamer Award sa Joint Task Force Tala (JTF)-5ID at sa 503rd Infantry Brigade, 502nd Infantry Brigade, at 54th Infantry Battalion dahil sa puspusang kampanya kontra insurhensiya. Ipinagkaloob ito noong January 15,2024 sa AFP General Headquarters at bago nagtapos ang 2023 , kinilala ang Star Division bilang best major unit ng Philippine Army.
Enter
You sent
