Mag-asawa patay sa pamamaril sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Patay sa pamamaril ang mag-asawa nang pasukin ng hindi pa nakikilang salarin ang kanilang bahay sa Brgy Paco, Gubat, Sorsogon.

Sa ulat ng Gubat Police, kinilala ang mga biktima bilang sina Rodolfo Espenocilla Gaban, Karpintero at asawa nito na si Gloria Joven Gaban.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Sa salaysay ng mga anak ng biktima, pinasok ng gunman ang bahay nila saka pinagbabaril sa ulo ang kanilang ama na natutulog na, naki-usap pa umano ang kanilang ina sa gunman subalit walang awa na pinagbabaril din ito.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo.

Hindi pa tukoy ang motibo sa krimen at patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng namaril.