Libreng makabagong makinarya sa agrikultura, hangad ng mga magsasaka sa Pili, Camarines Sur

CAMARINES SUR – Isa sa mga hinahangad pa rin hanggang ngayon ng mga magsasaka sa Pili, Camarines Sur ang magkaroon ng libreng makabagong makinarya sa pagsasaka.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Ernesto San Felipe, presidente ng Sto. Niño Pili Vegetable Growers Association at mahigit 30 taon nang magsasaka, sinabi nitong malaking tulong ang pagkakaroon ng mga makabagong makinarya lalo na sa kanilang mga maliliit na magsasaka dahil bukod sa mas napapadali nila ang pag-ani sa mga pananim, mas napaparami ang produksyon. Aniya, sobrang laki ang kinaibahan ng pagsasaka noon na wala pang mga makabagong makinarya kumpara ngayon.

Sa ngayon, ang sariling naipundar ni Ernesto na isang makinarya ang kanilang ginagamit, idagdag pa ang init ng panahon sa pasakit nila kung kaya’t nalulugi sila dahil sa kaunti ang naaani. Kung noon, nasa 10,000.00 ang pinakamababa nilang kinikita araw-araw, ngayon sumasayad na ito sa 3,000.00.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *