Libreng gamot, bitamina at maintenance medicines nakatakdang ipamahagi sa mga taga Unang Distrito ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nakatakdang mabiyayaan ng libreng gamot . bitamina at mga maintenance medicines ang mga taga- Unang Distrito ng Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Brigada news FM Daet, ito ay mula sa nalikom na pondo ng tanggapan ni 1st Dstrict Representative Josie Baning Tallado mulasa Department of Health (DOH) partikular kay OIC Secretary Rosario Vergeire at DOH Region V Director Dr. Ernie Vera

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa kasalukuyan ay napick-up na ang mga gamot mula sa DOH Central Office at gayundin ang mga gamot mula sa DOH Region V Office sa Legaspi.

Ang mga libreng medisina  ay layong makakatulong upang pangalagaan ang kalusugan ng mga taga-unang distrito at makatipid sa gastusin sa mga gamot lalo na at nasa panahon pa rin ng pandemya

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ilan sa mga gamot na ipapamahagi ay ang Metformin (500mg), Amoxicillin (500mg), Ascorbic Acid (100mg/5mL syrup, Amlodipine 5mg, Simvastatin 20mg, Mefenamic Acid (500mg), Ciproflaxacin (500mg) at Paracetamol 500mg

Ang gagawing pamamahagi ay sa pamamagitan ng mga social services caravan at free medicine assistance programs na regular na ginagawa ng tanggapan ng nabanggit na Kongresista sa  Unang Distrito.