LGU Surallah magpapatayo ng birthing home

KORONADAL CITY- INAASAHAN na bago matapos ang taong 2022, makukumpleto na ang ipinatatayong birthing home ng local government unit ng Surallah.

Kamakailan lamang, isinagawa ang groundbreaking ceremony sa naturang proyekto sa pamumuno ni Surallah Mayor Antonio Bendita at mga representante mula sa Department of Health o DOH.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ang pondong P 1.7 million para dito ay mula sa DOH- Health Facilities Enhancement Program.
Sa pamamagitan nito, mas mapapaigting pa ang pagbibigay ng serbisyo para sa mga buntis at manganganak na ina.

Ito ay ipinatatayo sa likurang bahagi ng Balay Ni Nanay lying in clinic na malapit sa munisipyo.
Samantala, inihayag ni Surallah Municipal Health Officer Dr. Neil Crespo na nakapagsumite na sila ng proposal sa DOH para sa pagpapatayo ng mega health center sa Barangay Centrala na kumpleto sa mga pasilidad katulad ng laboratory, lying-in, teen center, animal bite center, Xray at ultra sound.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire