LEGAZPI CITY – Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Sto. Domingo, Albay ang mag residente nito na pumirma para sa kanilang kampanya upang hingan ng kasagutan ang Albay Electric Cooperative (ALECO) hinggil sa isyung kinakaharap kaugnay ng problema sa supply ng kuryente.
Nananawagan si Mayor Jun Aguas na tulungan sila sa kampanyang dito lalo’t kanya umano itong ipapaabot sa Legislative Department ng bansa upang magkaroon nan g solusyon ang isyung ito na nagdudulot ng hassle at kabigatan sa mga resisente.
Siniguro ng alkalde, marami pa silang gagawin upang maging maayos na ang supply ng kuryente sa kanilang bayan.