Pinatitigil muna sa ngayon ni Senate President Chiz Escudero ang anumang kontruksyon o bayarin sa itinatayong Senate building sa Philippine Navy Village sa Taguig City.
Ito ay matapos umakyat sa P13 bilyon ang orihinal na pondong nakalaan dito na noong una ay nasa P8.9 bilyon lang.
Maliban pa roon, upang tuluyan din umano itong matapos ay kinakailangan pa ng karagdagang P10 bilyon kaya kung pagsasamahin ay nasa P23 bilyon ang kinakailangang pondo sa pagpapatayo nito.
Ayon kay Escudero medyo mabigat at kagulat-gulat ito kung kaya’t inutusan na niya si bagong Senate Committee on Accounts, Chairperson, Alan Cayetano na suriin at pag-aralan kung tama ba ang gastusin at kung may paraan pa upang mapababa ito.
Anya, titignan at susuriin din nila ang mga pagkakamali na nararanasan ng bawat empleyado ng Senado ngayon upang maiwasan ng maranasan sa paglipat sa bagong gusali.