Pamahalaan, nakapagpatayo na ng mahigit 80 solar-powered pump irrigation projects sa buong bansa

Tuloy-tuloy ang pamahalaan sa pagpapagawa ng mga solar-powered pump irrigation projects sa buong bansa.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Cabaruan- solar-powered pump irrigation project sa Isabela, iniulat ni Pangulong Bongbong Marcos na nasa 82 na ang natapos na kahalintulad na proyekto at napagana sa buong bansa mula noong taong 2023.

Mahigit isang daan at limampu naman ang kasalukuyang pang tinatapos at higit isang daan din ang ipapagawa pa.

Kaugnay nito, pinuri ng Pangulo ang National Irrigation Authority sa kanilang pagsisikap at tagumpay sa pagpapatupad ng mga solar-powered pump irrigation projects.

Bukod dito, inatasan niya ang NIA na pag-aralan kung aling mga irrigation assets sa bansa ang maaari pang lagyan ng power generation upang mas mapakinabangan ang mga ito at mabawasan ang gastos na pasanin ng mga magsasaka.

Isa sa binanggit ng Pangulo ang potensyal ng Magat dam, na nakikita ng Presidente na magiging susi sa pag-unlad ng agrikultura sa Isabela at Cagayan Valley.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *