LGU-Pilar, Top 1 sa 2022 tax collection efficiency para sa fees and charges

Top 1 ang Lokal na Pamahalan ng Pilar pagdating sa Tax Collection Efficiency 2022 para sa Fees and Charges sa buong lalawigan ng Sorsogon.

Nakuha ng nasabing bayan ang 122.73% collection efficiency o 8.17 million mula sa target na 6.65 million.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Pumangalawa naman ang LGU- Bulusan na nakapagtala  ng 119.25% collection efficiency kung saan umabot sa 6.13 million ang koleksyon nito mula sa target na 5.14 million habang pumangatlo naman ang bayan ng Irosin sa 113.59% collection efficiency o 6.37 million mula sa target na 5.61 million.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Samantala, nanguna naman ang bayan ng Casiguran sa Real Property Tax collection sa 24.7% collection efficiency habang bayan pa rin ng Bulusan ang nanguna sa Business Tax collection na nakapagtala ng 4.30 million o 188.03% collection efficiency.