Bullying sa bansa posibleng bumaba dahil sa pagpapalakas ng kampanya kontra rito- School Principal sa Naga

NAGA CITY – Posibleng bumaba ang bullying incident sa bansa matapos na i-call out ang atensyon ng Department of Education hinggil sa pagpapalakas campaign sa problema.

Ito rin ang paniniwala ni Dr. Sulpicio Alferez III, Principal ng Camarines Sur National High School sa Naga City, matapos silang magdagdag ng Security Office, pinalakas ang monitoring ng mga guidance counselor at mga guro sa kanilang mga estudyante at bawat classroom dalawa na ang adviser na siyang hahawak sa homeroom guidance, classroom management at ang isa sa records.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Noong nakaraang school year nakapagtala ang Department of Education (DepEd) ng mahigit 260,000 kaso sa physical bullying sa paaralan, maliban pa diyan mayroon ding naitalang 7,758 cases ng cyberbullying, 7,800 ng gender-based bullying, at 17,258 cases ng social bullying sa buong bansa.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Bagamat wala pang serious incident sa ngayon sa CamHigh naniniwala ang Principal na mayroon pa ring nangyayaring pambubully kaya lamang dahil sa mga hakbang na ginagawa nila hindi na lumalala pa ang sitwasyon.