NAGA CITY- Umaasa ang lokal na pamahalaan ng Naga na nauunawaan ng ibang mga bayan sa Camarines Sur ang ipinatupad at posible pang ipasunod na weekend enhanced community quarantine o weekend lockdown.
Batid ni Mayor Nelson Legacion ang mga negatibong komento lalo pa sa social media ng mga nasa loob at nasa labas ng lungsod subalit sa ngayon wala aniya siyang natatanggap na reklamo mula sa iba pang mga local chief executives, balik General Community with Heightened Restrictions ang Naga kapag weekdays.
Aniya , inirerespeto ng LGU ang Metro Naga Development Council at mga residente nito at kailangan itong gawin upang maprotektahan din ang mga tumutungo sa business hub na lungsod.
Samantala , sinabi sa Brigada News FM Naga ni Health Emergency Response Task Force Security Cluster Chief PLtCol. Errol Garchitorena na naging smooth ang unang weekend ECQ.