LEGAZPI CITY – Inihayag ni Regional Director Gilbert Sadsad ng Department of Education (DEPED) Bicol na magsasagawa ngayon araw ng ceremonial signing ang DepEd Central Office at DOH para sa Guidelines na ipapatupad sa pilot testing area na Limited face to face Learning.
Ayon kay Sadsad, kailangan matiyak ng ahensya na ligtas ang mga guro at mag aaral sa oras na maipatupad ng mga ito ang face to face learning.
Aniya, wala pang naibaba na official guidelines mula sa central office para sa F2F kung saan ay naghihintay pa rin ang mga ito at may mga idinadagdag sa guidelines .
Dagdag pa nito, nagkakaroon ngayon ng pre assessment at pre validation sa 305 na paaralan na isinumite sa central office nitong nakaraang buwan ng Enero taong 2021.
Layunin ng tanggapan ay masiguro ng mga ito ang kaligtasan ng mga guro at mga mag aaral laban sa covid 19.Sinabi ng opisyal mayroon kasi bagong assistment tool na ipinadala ang DEPED central office na ngayon ang gagamitin ay school safety assisment tool na kung saan ang recommendations na nakapaloob sa WHO.