Grade 10 pinatay ng kanyang 20-anyos na bayaw

Wala ng buhay na natagpuan ang isang 15-anyos na batang babae na unang na-report na missing sa Población Uno, Bansalan, Davao de Sur.

Ang biktima kinilalang si Abbie Crezel Florentino, high school student sa nasabing lugar habang ang suspek ang bayaw nitong si Bienvenido Arnejo, 20-anyos.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Kasama pa mismo si Arnejo sa pag-report sa Bansalan Municipal Police Station na missing si Abbie.

Ayon sa suspek na magkasama silang naghanap ng bronze wire ng biktima ngunit una umano itong umuwi ngunit ng binalikan ng mga pulis kung saan sila nagkasama doon na nakita ang wala ng buhay na katawan ni Abbie.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Inamin naman ng suspek na nagtalo umano sila ng biktima kaya nito napatay.

Agad naman inaresto ang suspek at sinampahan ng kaso.