LGU Naga aapela sa IATF na huwag isailalim sa Alert level 4 ang lungsod

NAGA CITY- Alert Level 4 ang klasipikasyon ng Department of Health Bicol sa Naga City dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Kaugnay nito aapela ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Health Emergency Response Task Force (HERTF) sa National Inter Agency Task Force o IATF na huwag isailalim sa naturang status na pangalawa sa pinakamabigat na quarantine classification. Ibinigay ni Mayor Nelson Legacion ang dalawang pangunahing rason; una ay mataas ang vaccination coverage at pangalawa mataas man ang kaso mga mild cases lamang.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Maliban dito pinapatibay din ang testing and isolation, bumibili rin ng high flow oxygen equipment.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sa mga barangay, pinapaigting ang monitoring sa mga dumarating lalo na mga mula sa labas ng Bicol Region. Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Liga President Dodit Beltran. Idinagdag nito na inaalam din ang vaccination status. Pinatitiyak rin na mamomonitor ang kalagayan ng mga nagpositbo sa sakit.