NAGA CITY- Maaaring umanong hindi nabatid ng labing isang mga alkalde sa Camarines Sur na sila ay posibleng nagamit sa pag-propaganda ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos matapos ang meeting ng League of Municipalities of the Philippines sa Makati.
Ito ang reaksyon ni Vice President Leni Robredo matapos ang meeting ng LMP na ginawa sa tahanan ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez sa Makati kamakailan kasama si LMP President Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis ‘Chavit’ Singson, at BBM.
Labing isang alkalde ang pinangalanan ng Partido Federal ng Pilipinas – PFP na sumusuporta kay BBM. Tatlo sa mga ito ang nagpalabas na ng pahayag na hindi nababali ang suporta kang Robredo; Mayor Tom Bocago ng Sipocot, Pamplona Mayor Boy Franco at Milaor Anthony “Labas” Reyes habang si Calabanga Mayor Ed Severo ay sinabing hindi nila batid na bibisita rin si Marcos.
Inaasahan ang opisyal na pahayag mula sa liga, ngunit si Camarines Sur LMP President San Fernando Mayor Fermin Mabulo ay nagbigay rin ng pahayag sa pamamagitan ng kaniyang facebook account, hindi man direkta ngunit sinabing na wala silang personal na away ng kapatid na si Abang Mabulo na dati ring alkalde, magkaiba lamang aniya sila ng pananaw sa politika at inirerespeto niya aniya iyon. Si Abang ay co-convenor ng Solid Leni Bicol.
Magkakaiba man ng sinusuportahang Partido at pangulo, magkaisa sa mithiin na maiangat pa ang buong Camarines Sur at n bansa ang hiling ni Robredo.
Ginawa ang pahayag sa isang okasyon sa Tigaon, Camarines Sur kasama ang Partido ni former Congressman Nonoy Andaya.