LGU Legazpi na kauna-unahang nagpatupad ng electronic business one stop shop sa Bicol, pinarangalan

LEGAZPI CITY – Binigyan ng commendation ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang lokal na pamahalaan ng Legazpi bilang kauna-unahang nagpatupad ng Electronic Business One Stop (EBOSS) sa buong Bicol Region.

Pinangunahan ang nasabing parangal nina Sec. Ernesto Perez, Director General ng ARTA, Mayor Geraldine Rosal, barangay officials at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Isa umano sa layunin ng RA 11032 o Ease of Doing Business Act ay upang mapabilis ang transaksyon ng mga kukuha ng permit sa negosyo at mawala ang corruption sa loob ng opisina.

Nagsimula ang lokal na pamahalaan na magpatupad ng EBOSS noong taon 2022 at hindi naman sila nahirapan na maipatupad ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *