Barangay-VAWC ng Naga City umaaksyon din sa reklamo ibang pamilya mula sa karatig-bayan

NAGA CITY – Aksyon–agad ang ginagawa ng mga barangay sa Naga City sa isyu ng Violence Againts Women and Their Children mula sa mga bayan ng Camarines Sur na ang ugat ay selos,kakulangan ng pera at masamang bisyo lalo na ng mga padre de pamilya.

Sa pahayag sa Brigada News Fm Naga ni Social Worker Eden San Andres ng City Social Welfare and Development Office,sinabi niyang ikino-kustidiya muna nila pansamantala ang kanilang complainants para maiiwas at maligtas ito sa anumang pang-aabuso pisikal o pananakit mula sa asawa,kapatid o kaya iba pang kapamilya.

Anya’y walang dapat na ipag-alala ang mga biktima dahil may proseso silang sinusunod na nakapalaman sa programa at ordinansa ng lungsod,agad naman silang nakikipag-ugnayan sa kanilang counter-part na Municipal Social Welfare and Development Office,kung taga saan ang mga biktima.      

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *