LGU Guinobatan magsasagawa ng misa at candle lighting ngayong araw para sa anibersaryo ng mga nasawi sa super typhoon Rolly

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Mayor Gemma Ann Ongjoco ng Guinobatan Albay na magsasagawa ngayon araw ng misa at candle lighting para sa Unang Anibersaryo ng mga nasawi sa Supertyphoon Rolly noong taon 2020. Ayon kay Ongoco, mamayang 8pm ay magpapatunog ng kampana sa simbahan bilang pagpapaalala sa mga biktima na nasawi dahil sa nasabing bagyo taon 2020. Maliban pa rito, ang bawat chapel sa mga barangay ay magsasagawa rin ng candle lighting at pagdarasal sa mga biktima.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

 Kanina ay katatapos lamang ng misa sa nasabing bayan para sa mga biktima ng supertyphoon Rolly. Umabot sa pito o walo ang nasawi at isa o dalawa ang nawawala sa Barangay San Francisco at Travesia ng Guinobatan dahil sa bagyo.

 Sinabi ng opisyal, pinaalalahanan rin nito ang mga mamamayan ngayon tag-ulan at pagpasok ng mga bagyo sa rehiyon ay palagian na manalig sa diyos, pag-iingat at sundin lamang ang ipapatupad ng lokal na gobyerno na paglikas sa kanilang tahanan upang maiwasan ang pagkasawi sa bagyo.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

 Kung maaalala, Nov 1 2020 ng makaranas ng hagupit ang Bicol Region ng Supertyphoon Rolly at unang nag-landfall ito sa bayan ng Bato, Catanduanes saka nag-landfall sa Tiwi, Albay.

Sa Guinobatan, nalubog sa baha at buhangin ang ilang kabahayan mula sa bulkang Mayon dahil sa pananalasa ni Supertyphoon Rolly.