Arestado ng City Police Drug Enformcent Unit ng Puerto Princesa City Police Office at Puerto Princesa City Anti- Crime Task force ang isang drug suspect na si Carlo Romeo Zapanta Y MNU alias Carlo, 23 anyos (SLI/Pusher) sa Purok Waling-waling, Brgy. Maunlad dito sa lungsod.
Ganap na 12:05 ng tanghali ngayong Lunes ay nahuli sa drug buybust operation ang binata at nakumpiska umano sa kanya ang isang (1) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang dahon ng Marijuana. Nang kapkapan umano ang suspek ay narekober sa kanya ang dalawang libong- piso na buybust money, 1 pakete ng hinihinalang marijuana at dalawang cellphone.
Tinatayang aabot sa 0.72 gram ang timbang ng nakumpiskang ebidensya mula kay Carlo na ngayon ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.