LGU Gensan, wala umanong kinalaman sa kontrobersyal na underpass

Binigyang linaw ng LGU Gensan ang patungkol sa kontrobersyal na underpass sa National Highway.

Mula kasi nang itinayo ito noong 2022, hindi na ito matapos-tapos at binabaha pa.

Proyekto umano ito ng National government sa ilalim ng Department of Works and Highways o DPWH.

Kaya walang kinalaman ang LGU sa planning, execution pati na rin sa paghawak ng budget nito.

Nitong nakaraang araw, naglabas ng suspension order ang DPWH dahil may variation sa plano at babalik rin ngunit naabutan na sila ng ulan.

Posibleng may mali umano sa feasibility study ng DPWH dahil nagmistula na itong pool na delikado sa paparating ang La NiƱa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *