LGU Garchitorena, ipinagpasalamat ang magkakasunod na ayuda sa bayan

CAMARINES SUR – Umaasa ang alkalde sa bayan ng Garchitorena, Camarines Sur na nawa’y magtuloy tuloy ang biyayang natatanggap ng mga residente sa lugar.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Mayor Leda San Luis, naniniwala siya na lahat naman ng nasasakupan niya lalo na yung mga nasa laylayan ay naabot ng mga tulong galing sa gobyerno. Kamakailan lang, nakatanggap ang 24 na mga indibidwal ng pedicab para sa kanilang kabuhayan. Noong nakaraang araw naman, natanggap na ng 610 mga benepisaryo sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/ Displaced Workers (TUPAD) ang kanilang pay-out sa loob ng sampung araw na pagtatrabaho.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon
Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Aniya, malaking tulong ang patuloy na pagsuporta ng provincial at national government upang magkaroon ng pag-unlad sa kanilang bayan.