Mangingisda, patay matapos ma-hit and run ng tanker truck sa Pagbilao, Quezon

Patay ang isang mangingisda matapos itong ma-hit and run ng tanker truck sa Barangay Ibabang Polo, Pagbilao, Quezon nitong Lunes, Mayo 20.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, nakahiga noon sa kanang bahagi ng kalsada ang biktima na pinaniniwalaang nasa ilalim ng impluwensya ng alak nang mabangga ito ng nasabing sasakyan.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Agad na tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Barangay Binahaan habang ang biktima naman ay isinugod sa hospital subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang follow-up investigation ng mga awtoridad upang matukoy at madakip ang driver ng nasabing sasakyan.