LGU Executive Building sa Jose Panganiban, pansamantalang isinara matapos na magtungo roon ang isang residente na nagpositibo sa COVID-19

CAMARINES NORTE- Pansamantalang isinara ang Executive Building ng Local Government Unit ng Jose Panganiban para sa agaran at massive disinfection

Ito ay matapos na matanggap ngLGU-Jose Panganiban ang ulat mula sa DOH – Bicol na dalawa sa kanilang mga residente ay nagpositibo sa COVID19.

Napagalaman na ang isa sa mga nagpositibo ay pumunta noong Martes sa Municipal Hall Building upang makahingi ng tulong para sa kanyang Rehabilitation

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ipinagpapalagay na may ilang mga nakasalamuha ang nagpositibo kaya agad na ipinagutos ni Mayor Ariel M. Non ang pagsasagawa ng contract tracing upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa kasalukuyan ay nasa isolation facility na ang mga nagpositibo habang inaatasan ang lahat na sumunod sa health protocols na ipinapatupad ng naturang LGU upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.