DOH Bicol muling nanawagan ng nagkakaisang tugon sa tumataas na kaso ng COVID-19; daily average case sa Bicol, umaabot ng 200

BICOL—Umaabot na sa 200 na kaso ng COVID-19 ang daily average sa Bicol region.

Ito ay base sa assessment ng Department of Health (DOH) Bicol kung saan nakitaan ng pagtaas ang kaso ng sakit simula pa nitong Marso 2021.

Ayon sa DOH-CHD mas tumaas pa 23% nitong June 13 ang positivity rate ng laboratory test mula sa 9% na naitala noong April 4.

Sa kabila nito ay nananatili sa moderate risk ang Bicol o katumbas ng General Community Quarantine (GCQ) risk classification.

Pero dahil may ilang lugar na sadyang mataas ang kaso ay inilagay ang mga ito ng ahensya sa high risk classification gaya ng Naga City at Legazpi City.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Nagkaroon din ng sariling deklarasyon ang mga LGU base sa risk assessment ng DOH gaya ng ilan pang mga bayan at lungsod sa Albay na inilagay sa GCQ, gayundin ang 31 bayan at isang lungsod sa Camarines Sur.

Kabilamg sa mga tinitingnang rason ng pagtaas ng kaso ng sakit sa rehiyon ay ang kakulangan sa pagpapatupad sa minimum health standard, lapses sa contact tracing at pagpapatupad ng quarantine at isolation protocols.

Gayundin ang delay sa pagkolekta ng mga specimen, delay ng submission ng mga ito sa mga laboratoryo dahil sa kulang kulang na impormasyon at mabagal na paglalabas ng individual test results ng mga LGU.

Ito ay sa kabila ng mahigpit na kampanya upang labanan ang pagkalat ng sakit kung kaya nanawagan muli ang DOH sa lahat ng mga stakehilders na makipagtulungan upang maipanalo ang laban na ayon dito, nangangailangan ng nagkakaisang tugon.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Nanawagan ang ahensya sa mga LGU ng mas epektibong pagpapatupad sa BIDA Solusyon plus, paglalagay ng maayos na quarantine at isolation facilities, paigtingin ang contact tracing, maagang pagsusumite ng mga samples at pagpalaalam sa mga inbidwal ng resulta nito at mas maigting pang supprta sa COVID-19 vaccination.

Ipinanawagan din ng ahensya sa publiko na matamang sundin ang minimum health standards at makipagtulungan sa mga hakbangin ng gobyerno sa paglaban sa pandemya.###