LGU Capalonga nagpasalamat sa lahat ng tumulong at naging bahagi ng national vaccination days

CAMARINES NORTE- Nagpasalamat ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Capalonga, Camarines Norte sa lahat ng tumulong at naging bahagi ng national vaccination days na ginawa noong nakaraang linggo.

Nagkaroon ng exit conference ang Department of Health sa naturang LGU kung saan nagpasalamat ang una sa ginawa ng LGU sa pamamagitan ng Municipal Health Office sa katatapos lang na aktibidad.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Pinuri  umano ng Monitoring Team ng DOH ang inisyatibo ng LGU katuwang ang MHO sa pangunguna ni Dr. Carolyn Madera dahil sa maayos at matagumpay na pagsasagawa ng bakunahan bayanihan dahilan upang maraming Capalongueños ang mabakunahan.

Hangad ng LGU na makamit na ang 70% ng eligible populatiomn na bakunado sa naturang bayan bayan o mas mataas pa para maging normal na nang tuluyan at muling maibalik ang mga nakasanayang mga galaw.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Batay sa datos ng DOH nasa 5, 302 ang bilang ng mga nabakunahan sa katatapos lang na bayanihan bakunahan sa 6, 573 target.