Bicol region nagtala na lamang ng 5 bagong kaso ng COVID-19

BICOL–Limang bagong kaso na lamang ng COVID-19 ang naitala sa Bicol region base sa huling ulat ng Department of Health (DOH) Bicol kahapon.

Tatlo nito ay mula sa Camarines Sur, isa sa Nabua, Pili at Naga City habang dalawa naman sa Sorsogon na galing sa Barcelona at Irosin.

Pare parehong zero new cases ang Albay, Camarines Norte, Catanduanes at Masbate.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa ngayon ay umaabot na lamang sa 3,680 (7.88%) ang aktibong kaso ng sakit sa kabuuang 46,722 cumulative cases.

Samantala, 21 ang mga bagong gumaling kung saan 11 nito ay mula sa Catanduanes, walo sa Albay at dalawa sa Sorsogon kung kaya pumalo na sa 41,169 (88.11%) ang total recoveries sa rehiyon.

Sa kabila nito, mataas naman ang bilang ng mga bagong nasawi na umabot sa 13.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sampo nito ay mula sa Camarines Norte, dalawa sa Albay at isa sa Sorsogon kung kaya sa kabuuan ay umabot na sa 1873 (4.01%) ang death toll ng COVID-19 sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### | slm