Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga accomplishments ng Duterte Administration, kasabay ng pagbibigay nito ng hint sa posibleng content ng final State of the Nation address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26.
“Babanggitin niya po ‘yung mga priority measures… Of course, ‘yung accomplishments ng ating Pangulo for the last five years, ‘yung mga ipinangako niya noon na naisakatuparan na po,” saad ni.
Kaugnay nito, muling inihayag ni Go na ang mga ordinaryong Pilipino ang makakakita at makakaramdam ng mga improvements na ginawa ng Duterte Administration.
Bilang resulta, nararapat at patas lang umano na ang publiko ang magdesisyon kung natupad ba o hindi ng pangulo ang kanyang mga pangako na pagbibigay ng positibong pagbabago sa buhay ng mga Pilipino.
“Let the people be the judge. Sila na po ang humusga kung natupad ba. ‘Yung unang SONA niya nabanggit niya po itong kampanya laban sa korapsyon sa gobyerno, kampanya laban sa kriminalidad, kampanya laban sa iligal na droga,” dagdag ni Go.
“So tuluy-tuloy naman po ito bagama’t mahirap talagang tuluyang ma-eradicate ang korapsyon… pero sinusubukasn naman po ng ating mahal na Pangulo… ng gobyernong ito. Let the people be the judge,” pahayag pa nito.
Kaugnay nito, tinalakay ng senador ang ilan sa mga milestone ng Duterte Administration at mga tagumpay na nagpalakas sa efforts ng bansa na makapagbigay ng komportableng buhay para sa lahat ng mga Pilipino, partikular na ang aggressive stance ng gobyerno laban sa kriminalidad at ilegal na droga.
