Pinayagan na ng pamahalaan ang leisurely trips mula NCR Plus sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ mula June 1 hanggang 15.
Sa isang press briefing, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na pwede na ang pagbiyahe basta’t lahat ng mga biyahero ay negatibo sa COVID-19 at susunod sa local government guidelines.
Pero, nilinaw ng kalihim na ang pinaluwag na travel requirements ay para lamang sa point-to-point travel.
Samantala, sinabi rin ni Roque na pinayagan na rin ng gobyerno ang outdoor non-contact sports, 30 percent operating capacity para sa venue meetings o conferences, 40 percent operating capacity para sa personal care services, at 30 percent outdoor tourist attractions para sa mga lugar sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions kasama ang Metro Manila.
