32,000 kabahayan apektado sa house-to-house lockdown sa QC

Aabot sa mahigit 32,000 na mga kabahayan sa Quezon City ang naka-lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte malabo na ang pagpapatupad ng granular lockdown sa kanilang lungsod dahil sa dami ng nagkakasakit bunsod ng omicron variant.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Kaya naman sa halip granular lockdown, house-to-house lockdown ang ipinapatupad sa Quezon City.

Paliwanag ni Belmonte lahat ng miyembro ng pamilya sa loob ng bahay na nakalockdown ay hindi nila pinapahintulutang lumabas.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ayon sa alkalde ibinase nila sa science ang hakbang dahil kung titingnan ang mga pag-aaral, napakabilis umanong makahawa ng Omicron variant kaya’t malaki ang tiyansa na ang buong kabahayan ay mahawaan kapag may nagpositibo nang miyembro nito.