Legazpi CDRRMO, naglabas ng abiso ukol sakanilang paghahanda para sa TD Aghon

LEGAZPI CITY – Naglabas ng abiso ang Legazpi City Disaster Risk Reduction & Management Office (CDRRMO) tungkol sa kanilang preparedness actions upang maiwasan ang sakuna at mapanatili ang zero-casualty sa lungsod kaugnay ng Tropical Depression Aghon.

Kinakailangang magkaroon ng localized pre-emptive evacuation sa mas ligtas at mas mataas na lugar sa lahat ng mga barangay na malapit o sa tabi ng mga ilog o baybayin, sa mga mababa o madaling bumaha, sa mga lugar na nagkakaroon ng pagguho ng lupa dulot ng ulan, lahar, storm surge at gale force.

Pinapayuhan din ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na huwag maglalayag sa mga karagatan ngayong masama ang panahon.

Lahat ng opisyal ng mga barangay ay inaabisuhang pamahalaan ang kani-kanilang mga pre-emptive evacuations.

Dagdag pa nito, patuloy na subaybayan ang mga bulletin mula sa DOST-PAGASA sa pamamagitan ng broadcast radio, CDRRMO FB Page, Smart Infocast, at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *