Albay PDRRMC, nasa preparedness status dahil sa Bagyong Aghon

LEGAZPI CITY – Nag-abiso ang Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) bilang sila ay nasa preparedness status dahil sa Bagyong Aghon.

Inaabisuhan ang lahat ng DRRMOs na maging alerto anumang oras at pinaghahanda ang bawat bayan at lungsod sa kanilang mga evacuation plan para sa mga residente na maaaring ilikas sakaling lumakas ang nasabing bagyo.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Mahigpit din na pinagbabawal ang pagtawid sa mga ilog lalo na ng mga residente na malapit sa mga river channels.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Sa ngayon ay hinihikayat ang publiko na mag-imbak ng mga pagkain at inuming tubig, sakaling lumakas o tumagal ang epekto ng sama ng panahon.