Lalaking kalahok sa motorcycle endurance challenge, patay sa salpukan ng van at motor sa Agdangan, Quezon

Patay ang isang lalaking kalahok sa motorcycle endurance challenge matapos nitong makasalpukan ang isang van sa Barangay Salvacion, Agdangan, Quezon nitong Linggo, Hunyo 16.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa kurbadang daan umano ang motor na minamaneho ni alyas “Kim” nang mag-overshoot ito sa lane ng van na naging dahilan ng kanilang salpukan.

Dahil dito, isinugod sa hospital ang mga driver ng parehong sasakyan subalit idineklarang dead on arrival si alyas Kim.

Samantala, bukas umano ang mga panig sa pagkakasundo sa mga usapin hinggil sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *