Tiniyak ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino sa anak ni Lydia de Vega na si Stephanie Mercado-Koenigswarter na itatampok sa itinatayong POC Museum sa New Clark City, Capas, Tarlac ang mga naging achievements ng namayapang Asian sprint queen.
Ayon kay Tolentino, forever na maaalala ang mga legasiya ni Lydia.
Kaya naman ang POC, planong ilagay ang lahat ng achievements ng Asia’s fastest woman sa dingding ng Olympic museum.
Kabilang umano dito, ang mga achievents ni de Vega sa Southeast Asian Games, Asian Championships at Asian Games.
Para sa POC president, inspirasyon para sa lahat ng aspiring athletes ang nagreyna ng track and field competitions sa Asia.
Matatandaan na nagkampeon siya sa Asian Games sa 100 meters sa New Delhi, India noong 1982, pati na rin sa Seoul, South Korea noong 1986.
Nakakuha rin nito ang dalawang 100 at dalawang 200 meters titles sa Asian championships sa Singapore noong 1983 at sa Kuwait noong 1987, at nakalolekta ng siyam na SEA Games gold medals mula 1983 hanggang 1987.