Apekto pa rin ng Southwest Monsoon o habagat ang kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Asahan ngayong Lunes ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog bunsod ng Southwest Monsoon sa Metro Manila, Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, CALABARZON, Bataan, at Zambales.
Dahil dito patuloy na pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga posibleng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog Southwest Monsoon at Localized Thunderstorms.
