Binakantehan na ni Tyson Fury ang kanyang Ring heavyweight title, matapos nitong ianunsyong magreretiro na siya sa boxing on Friday.
Si Fury na bumalik noong Martes, ay sinabi magbabalik siya mula sa retirement para labanan si Derek Chisora.
Pero matapos ang tatlong araw, inanunsyo nito na sa pamamagitan ng kanyang social media post, na napagdesisyunan niyang tuluyan nang tumalikod mula sa boxing.
Pagbabahagi nito, na ang kanyang greatest moment sa naturang career ay ang pagkapanalo sa world championship laban kay Wladimir Klitschko noong 2015.
Mababatid na napanatili ni Fury ang kanyang WBC title sa stoppage win laban kay Dillian Whyte sa Wembley Stadium noong Abril.
