Leader at miyembro ng Warla Kidnapping Group – arestado sa Zamboanga City

Huli ng mga tauhan ng CIDG Regional Field Unit 9 ang leader at isang myembro ng notoryus na Warla Group sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City.

Sa ulat mula kay CIDG Director PMGen Leo Franciso, naaresto ang leader ng grupo na si alyas “Mikey” at kasamahan nitong si alyas “Nilben” sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong Kidnapping for Ransom with Serious Illegal Detention.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Matatandaan na nasangkot ang grupo sa pagdukot ng mga foreign national kung saan pinakahuli dito ang isang Taiwanese na nasagip noong September 2022 sa Paranaque na nagresulta naman sa pagkakaaresto ng 5 nilang myembro.

Ayon sa CIDG, ang Warla Group ay binubuo ng mga magagandang transgender women na nandudukot ng kanilang mga nakaka-date.

Pagkatapos nito, hinihingan umano ng mga suspek ang pamilya at kaibigan ng mga biktima ng pera kapalit ng kalayaan ng mga ito.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Dagdag pa ng CIDG, nag ooperate ang Warla Group ss southern part ng Metro Manila na ang mga target kadalasan ay empleyado ng POGO at mga negosyante.

Ginagamit naman nila ang mga pera na kanilang nakukuha sa sex reassignment surgery o “sex change” ayon sa CIDG.