Pansamantalang sarado ang opisina ng Local Risk Reduction Management Office sa Bayan ng Ramon mula September 20 hanggang October 3,2021.
Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang 15 na empleyado dito nang sumailalim ang mga ito sa swab test.
Sa bisa ng Executive order no. 36 na inilabas ng LGU-Ramon ay magsasagawa ng disinfection at sanitation ang LDRRMO upang matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado at publiko at maiwaan ang local transmission.
Samantala, pinalawig naman hanggang September 30,2021 ang Modified Enhanced Community Quarantine Classification with heightened restriction ang Bayan ng Ramon.
Sa ngayon base sa datos ng Isabela PIO, nasa 285 na ang kabuoang aktibong kaso ng Ramon matapos maitala ang panibagong 87 COVID-19 cases.