Naitala ang 1st case ng COVID-19 related death sa lalawigan ng Batanes.
Ayon sa Provincial Government ng Batanes, ang nasawi ay isang 70 anyos na lalaki na residente ng Basco, Batanes at namatay noong araw ng Sabado, September 25, 2021.
Siya ay unang na-admit sa Batanes General Batanes na natukoy na may Acute Respiratory Failure secondary to Pneumonia, High Risk secondary to COVID-19.
Batay pa rin sa inilabas na datos ng PGB ngayong araw, September 26, 2021, umakyat pa sa 349 ang COVID-19 active cases sa naturang lalawigan matapos maitala ang 67 na mga bagong kaso.
Nangunguna pa rin sa mga lugar na may pinakamataas na kaso ang bayan ng Basco na may 254 cases; Uyugan na may 25 COVID-19 active cases; at sinundan ng Mahatao na may 24.
Habang ang bayan ng Ivana ay may 19 na aktibong kaso; Itbayat na may 14 current active cases at Sabtang na may 13 na kaso.
Sa naturang bilang, nasa 329 ang nasa mild cases, 12 ang moderate, 7 ang severe cases at 1 ang nasa kritikal na kalagayan.
Sa ngayon ay umiiral pa rin ang Enhanced Community Quarantine status sa naturang lalawigan na magtatagal hanggang October 4, 2021.