Patay ang Municipal Agriculturist at Lay Minister matapos na pagbabarilin sa Sitio Purok, Brgy Cabungahan Villaba, Leyte.
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Tacloban, nagsagawa ng misa sa isang simbahan ang biktima na si Marcelino Combate, 52 ayos, nang tambangan ng hindi pa kilalalang mga salarin habang sakay ito ng kanyang motorsiklo pauwi sana sa kanyang tirahan sa Brgy. Poblacion Leyte, Leyte.
Nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang parte ng katawan ang biktima na siyang dahilan sa agaran nitong pagkasawi, agad naman na tumakas ang mga salarin sa masukal na bahagi sa lugar matapos gawin ang kremin.
Samantala nakuha sa crime scene ang walong basyo ng bala ng kalibre 45, at isang live ammunition, napag-alaman mula sa imbestigasyon, na tinangay ng mga suspek ang sling bag ng biktima na may lamang pera, cellphone, at iba pa.
Ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis sa motibo sa kremin ang pagkakakilan ng mga suspek.