Radio reporter – sinuntok ‘di umano ng mga miyembro ng MANIBELA

Nauwi sa tensyon ang programa ng grupong MANIBELA sa may bahagi ng East Avenue sa Quezon City.

Ito’y matapos ‘di umanong suntukin ng isa nilang miyembro ang isang radio reporter na si Val Gonzales.

Kuwento niya – nagre-report lang daw siya nang bigla siyang kuyugin at suntukin.

Ibinabalita niya raw kasi kung gaano na kahaba ang perswisyong naidudulot ng mga nagpo-protesta sa may opisina ng LTFRB.

Mula rito, kinumpulan daw siya, at sinuntok nang dalawang beses sa kaniyang tagiliran.

Sinisigaw pa raw ng mga nagra-rally sa kanilang megaphone na ‘di umano’y bayaran ang media.

Itinanggi naman ng isa nilang miyembro ng panununtok.

Anila, tinutulak lang daw nila papalayo si Gonzales, at hindi nila sinaktan ang reporter.

Sa ngayon, sinabi ni Gonzales na nagpa-abot na siya ng intensyon sa Quezon City Police District para magreklamo sa MANIBELA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *