LEGAZPI CITY – Patuloy pa rin ang pagdaloy ng lava effusion sa tatlong gullies mula sa Bulkang Mayon ayon mismo sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa tanggapan, ang lava effusion ay dahan-dahan pa ring umiiral pababa na nagiging dahilan ng paglaki ng lava flow mula sa slope ng bulkan patungo sa tatlong gullies.
Sinabi ng PHIVOLCS, sa huling 24 na oras, napanatili ng bulkan ang distal na haba ng lava flow na humigit-kumulang 2.8km at 600m sa Mi-isi at Basud gullies sa southern at eastern flanks ng Mayon.
Ito umano ay nangangahulugan na nasa relatively high level of unrest ang bulkan at maaaring magkaroon ng potensyal na panganib lalo na ang pagsabog sa loob ng ilang araw o linggo.