Taas sahod kasama sa panawagan sa kilos protesta sa Naga nitong SONA

NAGA CITY- Hindi nahadlangan ng Bagyong Egay ang kilos protesta ng mga progresibong grupo mula sa iba’t-ibang parte ng Camarines Sur na ginanap sa Naga City kahapon bago ang State of ng Nation Address ni Pangulong Marcos Jr.

Mula sa Panganiban Drive nagmartsa ang grupo tulad ng Bagong Alyansang Makabayan, Anakpawis, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Damayan ng mga Paraoma, Gabriela at marami pang iba.

Read More:  Five dead after van crashes into parked truck in Zamboanga del Sur

Kasama sa mga natalakay ang mataas na presyo ng mga bilihin , hindi rin ramdam ang pagbaba ng inflation. Gayundin ang umano’y pagpapaasa ng administrasyon sa P20.00 na bawat kilo ng bigas, ipinanawagan pa ang taas sahod. Ayon kay Bayan Bicol Spokesperson Jen Nagrampa, kulang na kulang na ang P365.00 minimum wage.

Read More:  Dump truck falls into sea while boarding ship in Cebu

Binatikos din ang pagmamadali umano ng Maharlika Investment Fund at marami pang iba.

Umaaasa sila na mapakikinggan ng pamahalaan ang sinasabing SONA ng Bayan.