Napag-alamang inabandona ang sumadsad na MV Mirola 1 sa may dalampasigan ng Mariveles, Bataan.
Ayon kay Bataan Oil Spill Response Lt. Cmdr. Michael John Encina, batay sa kanilang assessment – inabando na ang motor vessel.
Dagdag pa ni Encina, na-trace na nila ang may-ari ng barko na si Mary Jane Ubaldo.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, natakot umano ang operator ng barko na agad na ilapit at i-report sa kinauukulan ang nangyari sa MV Mirloa 1.
Kaugnay nito ay bubusiin ng ahensya kung ano ba dapat ang nangyari, at ang tunay na operasyon ng barko.
Ngayong araw, sinimulan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang manu-manong pagsasalok ng mga tumapong langis sa loob ng barko.
Bago ito’y una na rin silang nagsagawa ng aerial surveillance, at water sampling sa area.