Roque, Chinese high profile fugitive na nahanap sa kanyang bahay – posibleng kabilang sa iisang grupo ayon kay Sen. Hontiveros

Idiniin ni Senadora Risa Hontiveros na hindi lang basta Chinese ang nahanap sa sinasabing bahay ni Atty. Harry Roque kundi isang high-profile fugitive.

Sa kopya ng dokumentong ibinigay ng opisina ni Hontiveros, makikitang parte ng Red Notice ng Interpol si Sun Liming.

Bago pa ito, una nang napag-alamang IT manager si Liming sa Lucky South 99 na siyang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) firm na tinulungan ni Roque sa reapplication.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Ayon sa senadora, nagtataka siya na sa dinami-rami ng mga bahay ay kay Roque pa ito napunta sa kabila ng sinasabi nitong mayroon siyang bantay sa mismo niyang bahay.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Kasunod nito, ayon kay Hontiveros, posibleng nasa iisang grupo lang si Roque at Liming kaya umabot ito sa kanyang tirahan.

Samantala, ayon sa senadora, sa kabila ng pronouncement ng Pangulo na pag-ban sa POGO ay dapat din silang bumuo ng batas sa Senado na magtitiyak na hindi na ito kailanman makakabalik.