Landslide sa National Highway naitala sa Balatan,  Camarines  Sur

NAGA CITY- Gumuho ang parte ng lupa sa  national highway sa Sitio Mang-it, Cabanbanan, Balatan, Camarines Sur nitong Sabado.

Ang small scale landslide ay ikinaaalarma ng Municipal Risk Reduction and Management Office dahil sa kanilang pagsusuri may mga serye na ng crack. Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay MDRRM Officer Xanthien Beñegas.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Sinabi namang sa kasalukuyan naglalagay ng slope protection ang Department of Public Works and Highways (DPWH) subalit hindi pa nararating ang bahagi kung saan nagkaroon ng landslide.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Susulat na ang MDRRM sa ahensya dahil posible pa ang mas malaking pagguho ng lupa na may kasamang mga bato, delikado sa mga motorista.