Search and retrieval ops, ikakasa sa binatilyong tinangay ng buwaya

Magsasagawa na ng Search & Retrieval Operation ngayong araw ang PCSDS at mga tauhan ng MDRRMO Rizal ang ilog ng Barangay Canipaan Rizal Palawan.

Ito ay upang mahanap ang katawan ng isang 10 anyos na binatilyo na tinangay ng buwaya sa ilog nitong Linggo, August 28, 2022.

Ayon kay MDRRM Officer Anthony Lorenzo, hahalughogin nila ang ilog upang maiuwi sa pamilya ang katawan ng biktimang si Antonio Cardejon III na residente din sa lugar.

Bago umano ito sakmalin ng hayop kahapon ay nangawil ang binatilyo at naligo sa ilog kasama ang mga kaibigan.

May nakakita pa raw sa buwaya bandang hapon habang kagat- kagat pa nito si Antonio.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City