Nanindigan ang Land Bank of the Philippines (LandBank) na ligtas at secured ang kanilang systems, sa kabila ng ulat ng mga guro na nawalan sila ng halos P26,000 hanggang P121,000 mula sa kanilang payroll accounts.
Ayon sa LandBank, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, ang device ng mga guro, at ang kanilang personal information ay nakompromiso sa pamamagitan ng tinatawag na phishing.
Ang naturang scheme ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpapanggap ng hackers bilang mga lehitimong bank representatives, para makuha ang confidential details ng mga kliyente, at ginagamit ito para pasukin ang kanilang accounts.

Naniniwala naman ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na kailangan managot ang LandBank sa pagkawala ng naturang mga pera.
Pero giit ng naturang bangko, kampante sila na ang mga accounts at personal information ay ligtas dahil sa mataas na security measures na ipinapatupad ng system. //MHEL PACIA-TRINIDAD